TGStat
TGStat
Type to search
Advanced channel search
  • flag English
    Site language
    flag Russian flag English flag Uzbek
  • Sign In
  • Catalog
    Channels and groups catalog Search for channels
    Add a channel/group
  • Ratings
    Rating of channels Rating of groups Posts rating
    Ratings of brands and people
  • Analytics
  • Search by posts
  • Telegram monitoring
'24-'25 Kolehiyo Updates

2 Sep 2024, 16:42

Open in Telegram Share Report

🗳️ | Narito ang listahan ng mga pampublikong kolehiyo at pamantasan na tinapyasan ng pondo sa planong 2025 National Expenditures Program ng Department of Budget and Management.

Makikita sa una at ikalawang litrato ang table na naglalaman ng state colleges at universities habang ikinukumpara ang pondong nakuha nila para sa Capital Outlay ngayong taon at pondong makukuha nila sa susunod na taon at kung gaanong kalaki ang tatapyasin dito.

Sa ikatlong litrato naman makikita ang pondo para sa MOOE kung saan ikinumpara rin ang pondo ngayong taon at para sa susunod na taon.

Ano nga ba ang Capital Outlay?
– Ang capital outlay ay mahalagang pondo ng isang institusyon na siyang inilalaan para sa pagpapatayo ng mga bagong gusali, pagpapaganda ng mga silid, at pagsasaayos ng pasilidad para sa kapakanan ng mga guro at mag-aaral.

Ano naman ang Maintenance and Other Operating Expenses?
– Ang MOOE ay bukod na pondo ng pampublikong institusyon na siyang ginagamit para sa pagpapatakbo ng mga pasilidad sa loob ng pamantasan. Kabilang dito ang bayarin sa kuryente, tubig, at iba pang pangunahing utility expenses upang masiguro ang maayos na pagpapatakbo sa pamantasan.

Sa patuloy na pagtapyas ng DBM sa pondo ng pampublikong kolehiyo at unibersidad, mananatiling mga mag-aaral ang kailangang magdusa dahil sa maling prayoridad ng pamahalaan.

Ano ang mga posibleng maging epekto sa pagbaba ng pondo sa mga paaralan?
– Bababa ang bilang ng mga tatanggaping first year at transfer applicants
– Mananatiling mainit ang mga mainit na silid-aralan
– Hindi giginhawa ang mga mag-aaral dahil wala ang pondo na para sana ay sa pagsasaayos ng mga sira o pasira nang pasilidad

May magagawa ba kaming mga estudyante rito?
– Oo naman, lahat tayo ay may magagawa sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa 2025 Midterm Elections na gaganapin sa May 12, 2025. Sa pagboto ng tama at karapat-dapat na kandidato para makapaglingkod sa bayan ay binibigyan natin ng mas mataas na pagkakataong bigyang prayoridad at iwasan na ang muling pagtatapyas sa pondo na para sa sektor ng edukasyon.

Maging mulat at tagapagmulat patungo sa progresibong Pilipinas. ✊

Mga larawan mula sa Kabataan Partylist / Facebook

31.4k 0 21 862
Catalog
Channels and groups catalog Channels compilations Search for channels Add a channel/group
Ratings
Rating of Telegram channels Rating of Telegram groups Posts rating Ratings of brands and people
API
API statistics Search API of posts API Callback
Our channels
@TGStat @TGStat_Chat @telepulse @TGStatAPI
Read
Blog Telegram Research 2019 Telegram Research 2021 Telegram Research 2023
Contacts
Support Email Jobs
Miscellaneous
Terms and conditions Privacy policy Public offer
Our bots
@TGStat_Bot @SearcheeBot @TGAlertsBot @tg_analytics_bot @TGStatChatBot